United Nations Conference on Trade and Development (yu•náy•ted néy•syons kón•fe•réns on treyd end ín•das•trí) : itinayô noong 1964, ipi-nalalaganap nitó ang magkasanib na pagsulong ng mga umuunlad na ban-sa túngo sa kaunlarang pandaigdig
United Nations Commission on Science and Technology for Development (yu•náy•ted néy•syons ko•mí•syon on sá•yans end tek•nó•lo•dyí for de•vé• lop•mént) : itinatag noong 1992 pagkaraan ng isang kumperen-siya ng UN sa Vienna at ipinalit sa mga dáting lupon sa agham at teknolohiya ng UN
on 1: sa pagsusuot ng anu-mang bagay sa katawan, karaniwan ng damit 2: sa tamang direksiyon 3: sa pagpapatúloy ng isang panahon o pangyayari 4: hinggil sa operasyon o pagkilos 5: sa tao, puspúsan sa paglahok o pagsang-ayon
shake off (syeyk of) 1: alisin ang anumang bagay na hindi kailangan 2: umiwas o lumayô nang ganap, gaya sa tao na sunod nang sunod
turn off (turn off) 1: pagka-wala ng gana o sigla 2: pagpatay ng ilaw o anumang kasangkapang de-koryente.
rhythm and blues (rí•dem end blus) : uri ng awiting popular ng mga Amerikanong Itim noong de-kada 1940, may masiglang indayog mula sa jazz, malakas na ritmo, at payak na melodiya
supply and demand (sup•láy end di• mánd) : kantidad na ka-ilangan o maaaring gamitin bílang mga salik sa pagreregularisa ng hala-ga ng bilihin
buy and sell (bay end sell) : isang paraan ng pagnenegos-yo na kumikíta sa pamamagitan ng mabilisang pagbibilí sa anumang produktong binili
hit and run (hit end ran) 1: hindi paghinto ng drayber matapos makasagasa o makabangga 2: sa larong beysbol, pagtakbo ng run-ner hábang pinagsisikapan ng batter na patamaan ang bola.
track and field (trak end fild) : pangkat ng isports na kina-papalooban ng mga pangunahing pisikal na aktibidad, tulad ng pag-lakad, pagtakbo, paglundag, at pag-hahagis
salt and pepper (solt end pé•per) : may pinaghalòng mapusyaw at matingkad na mga kulay, gaya ng itim at putî sa buhok
foot and mouth disease (fút end-mawt di•sís) : mabilis makahawang sakít ng báka, baboy, at iba pa, na lumilikha ng lintos sa bunganga at sa palibot ng kukó
United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (yu•náy• ted néy•syons ed•yu•kéy•syo•nál sá•yan•tí•fik end kúl•tyu•rál or•ga•ni• zéy•syon) : sangay ng UN na itinatag noong 1946 upang palaganapin ang pagtutulungan ng mga bansa sa mga larang ng edukasyon, agham, kultura, at komunikasyon. May punòng himpilan ito sa Paris at may 190 kasaping bansa noong 2004
American Standard Code for Information and Interchange (a•mé•ri•kán is•tán•dard kowd for in•for•méy• syon end ín•ter•tséynds) : kodigo sa pag-iimbak ng mga karakter na ipinasok sa computer